Tsina't Britanya, ibayo pang pabubutihin ang relasyon sa bagong panahon

2018-02-02 12:47:24 CRI

Beijing, Tsina—Sumang-ayon ang Tsina at Britanya na ibayo ang pasusulungin ang relasyon ng dalawang bansa sa bagong panahon.

Ito ang ipinahayag nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at dumadalaw na Punong Ministro Theresa May ng Britanya, sa kanilang pagtatagpo sa Beijing, Huwebes, Pebrero 1, 2018.

Nagpasiya ang dalawang lider na i-upgrade ang ugnayan ng Tsina at Britanya sa pamamagitan ng pagpapahigpit ng pagtutulungan sa kalakalan, pamumuhunan, hay-tek, kapaligiran, kultura, Internet, Artificial Intelligence, green energy, digital economy, pinansya, at iba pa. Nakahanda rin ang dalawang bansa na magkasamang pasulungin ang pagtutulungan, sa ilalim ng Belt and Road Initiative (OBOR) para sa komong kasaganaan. Sumang-ayon din silang palalimin ang koordinasyon sa United Nations, Group 20, World Trade Organization at ibang multilateral na organong pandaigdig.

Sina Pangulong Xi Jinping (kanan) ng Tsina at dumadalaw na Punong Ministro Theresa May (kaliwa) ng Britanya, sa kanilang pagtatagpo sa Beijing, Huwebes, Pebrero 1, 2018. (Xinhua/Liu Weibing)

Sina Pangulong Xi Jinping (ika-2 sa kanan) ng Tsina, kanyang asawa na si Peng Liyuan (dulong kaliwa), dumadalaw na Punong Ministro Theresa May (gitna) ng Britanya at kanyang asawa na si Philip May (ika-2 sa kaliwa), habang nagta-tsaa, sa Beijing, Tsina, Pebrero 1, 2018. (Xinhua/Ding Lin)

Salin: Jade
Pulido: Mac

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino