ICAPP, idinaos sa Iran

2018-02-04 15:28:33

Teheran - Mula Pebrero 2 hanggang 3, 2018, ginanap sa Iran International Conference Center ang Ika-29 na Pulong ng Pirmihang Komisyon ng International Conference of Asian Political Parties (ICAPP).

Ayon sa IRNA, dumalo sa nasabing pagtitipon ang mahigit 100 kinatawan mula sa mahigit 40 partido ng 25 bansang Asyano, at mga kinatawan ng ilang organisasyong panrehiyon at pandaigdig. Kabilang dito, mahigit kalahati ng mga kinatawan ay mula sa mga bansang Islamiko. Ito ang unang pagkakataong itinaguyod ng Iran ang Pulong ng Pirmihang Komisyon ng ICAPP.

Sa pulong, nagpalitan ng kuru-kuro ang mga kalahok tungkol sa mga temang gaya ng pagharap sa ekstrimismo, pagsasakatuparan ng sustenableng pag-unlad, at pagpapasulong ng pagpapalitang pangkultura at pangkalakalan ng mga bansa sa kahabaan ng Silk Road.

Sinabi ni Jose De Venecia, Pangulo ng Pirmihang Komisyon ng ICAPP at dating Ispiker ng Mababang Kapulungan ng Pilipinas, na kung talagang nais isakatuparan ang kapayapaan at katatagan sa rehiyong Gulpo, kinakailangan ang pagkatig ng Iran.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino