Pangulo ng T. Korea, makikipagtagpo sa delegasyong H. Koreano sa PyeongChang Olympics

2018-02-09 16:12:31 CRI

Ipinatalastas Huwebes, Pebrero 8, ng Cheon Wa Dae, Palasyong Pampanguluhan ng Timog Korea (ROK) na nakatakdang makipagtagpo, Sabado, Pebrero 10, si Pangulong Moon Jae-in sa delegasyon ng Hilagang Korea na kalahok sa Pyeongchang Winter Olympics.

Ang nasabing delegasyon ay pangunguluhan ni Kim Yong-nam, Presidente ng Pirmihang Komite ng Kataas-taasang Asembleang Bayan ng Hilagang Korea.

Magbubukas ngayong gabi, Pebrero 9, ang ika-23 Winter Olympics at tatagal hanggang Pebrero 25, sa PyeongChang, Timog Korea.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino