Tsina at Amerika, ibayo pang pasusulungin ang relasyon

2018-02-10 17:55:13 CRI

Nakipagtagpo kahapon, Biyernes, ika-9 ng Pebrero 2018, sa White House, si Pangulong Donald Trump ng Amerika, kay Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina.

Iniabot ni Yang kay Trump ang pangungumusta ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Aniya, ang mga narating na komong palagay ng dalawang lider ay naging patnubay sa relasyong Sino-Amerikano sa bagong taon. Umaasa aniya ang panig Tsino, na magsisikap, kasama ng panig Amerikano, para pahigpitin ang pagpapalagayan sa mataas na antas at iba't ibang lebel, igarantiya ang matagumpay na pagdaraos ng ikalawang round ng diyalogo ng 4 na mekanismong pandiyalogo sa mataas na antas ng dalawang bansa, palawakin ang kooperasyon sa iba't ibang larangan, palakasin ang koordinasyon sa isyu ng Korean Peninsula at iba pang isyung panrehiyon at pandaigdig, at maayos na hawakan ang mga sensitibong isyu.

Ipinahayag naman ni Trump ang pangungumusta kay Xi. Nakahanda aniya ang Amerika na makipagtulungan sa Tsina, para matamo ng relasyon ng dalawang bansa ang mas maraming positibong progreso.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino