Delegasyon ng Hilagang Korea, bumisita sa Timog Korea

2018-02-12 12:21:46 CRI

Sa pamumuno ni Kim Yong Nam, Pangulo ng Presidium ng Supreme People's Assembly, bumisita mula Pebrero 9 hanggang Pebrero 11, 2018 ang isang mataas na delegasyon ng Hilagang Korea sa Timog Korea. Sa 3 araw na pananatili sa Timog Korea, dumalo ang delegasyon sa seremonya ng pagbubukas ng Pyeongchang Winter Olympics. Bukod dito, ang delegasyon ay kinatagpo ni Pangulong Moon Jae-in ng Timog Korea, at ini-abot ni Kim Yong Nam kay Pangulong Moon ang nakasulat na mensahe ni Kataas-taasang Lider Kim Jong Un ng Hilagang Korea.

Ipinalalagay ng mga tagapag-analisa na mabunga ang nasabing pagdalaw. Ipinahayag ng dalawang panig ang komong mithiin sa pagsasakatuparan ng pambansang rekonsilyasyong pampulitika. Samantala, optimistiko ang komunidad ng daigdig sa ibayo pang pagpapahupa ng kalagayan at pagpapasulong ng rekonsilyasyon ng Peninsula ng Korea.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino