New Year reception, idinaos ng Pirmihang Delegasyon ng Tsina sa UN

2018-02-14 12:12:34 CRI

New York, Punong Himpilan ng UN-Idinaos Pebrero 12, 2018 ang new year reception ng Pirmihang Delegasyon ng Tsina sa United Nations(UN). Sa pagtitipon, ipinahayag ni Ma Zhaoxu, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, na ibayo pang pasusulungin ng Tsina ang pakikipagtulungan sa UN. Dumalo sa pagtitipon sina Miroslav Lajcak, Tagapangulong ng Ika-72 Pangkalahatang Asemblea ng UN, Amina J. Mohammed, Pangalawang Pirmihang Pangkalahatang Kalihim ng UN, Zhang Qiyue, Consul General ng Tsina sa New York, mga diplomatic envoy ng mga bansa sa UN, at mga kinatawan mula sa ibat-ibang sektor.

Lubusang pinahahalagahan ng mga kalahok ang tagumpay na natamo ng Tsina sa pag-unlad ng bansa. Positibo sila sa mahalaga at konstruktibong papel ng Tsina sa mga sulirnaing pandaigdig. Umaasa rin silang gaganap ang Tsina ng mas mahalagang papel sa pagpapasulong ng pagtutulungang multilateral, at mapayapang paglutas sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino