NYC Empire State Building, nagliwanag ang mga ilaw para sa Chinese Lunar New Year

2018-02-14 18:40:25 CRI

Martes, Pebrero 13, 2018, ginanap ang seremonya ng pag-iilaw ng Empire State Building ng New York bilang pagdiriwang sa Spring Festival ng Tsina.

Magkasamang sinindihan nina Zhang Qiyue, Consul General ng Tsina sa New York, at John B. Kessler, Presidente ng Empire State Realty Trust, ang mga ilaw ng Empire State Building.

Sa gabi ng Pebrero 13 at Pebrero 15, magliliwanag ng pula at ginto ang ilaw ng Empire State Building para magdiwang ng Chinese Lunar New Year. Itinatanghal din sa loob ng isang buwan sa nasabing gusali ang mga dekorasyon ng aso.

Bumisita sina Zhang Qiyue at John B. Kessler sa pagtatanghal ng mga dekorasyon ng aso.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino