Ika-54 na MSC, binuksan

2018-02-17 16:52:36 CRI

Binuksan kahapon, Biyernes, ika-16 ng Pebrero 2018, sa Munich, Alemanya, ang Ika-54 na Munich Security Conference (MSC).

Dumalo sa pulong ang mahigit 20 lider, halos 40 ministrong panlabas, at 40 ministrong pandepensa ng mga bansa. Kalahok din dito si Fu Ying, Puno ng Komite sa Suliraning Panlabas ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina.

Sa seremonya ng pagbubukas, sinabi ni Wolfgang Ischinger, Tagapangulo ng MSC, na kinakaharap ng kaayusang pandaigdig ang mga bagong hamon. Nanawagan siya sa iba't ibang bansa, na pahigpitin ang pagpapalagayan, at isagawa ang mga aktuwal na hakbangin, para iwasan ang paglala ng mga krisis.

Sa 2-araw na pulong, tatalakayin ng mga kalahok ang hinggil sa katiwasayan sa Europa, relasyong Trans-Atlantic, kalagayan sa Gitnang Silangan, isyung nuklear ng Korean Peninsula, at iba pang isyung panrehiyon at pandaigdig.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino