Amerika, naglunsad ng AD at CVD investigation sa inangkat na goma mula sa Tsina, Thailand at Sri Lanka

2018-02-23 11:56:35 CRI

Huwebes, Pebrero 22, 2018, ipinatalastas ni Wilbur Ross, Kalihim ng Komersyo ng Estados Unidos, ang paglulunsad ng Antidumping Duty (AD) at Countervailing Duty (CVD) investigation sa mga gomang inangkat mula sa Tsina, Sri Lanka at Thailand.

Ayon sa Kagawaran ng Komersyo ng Amerika, ang kasalukuyang imbestigasyon ay isinasagawa dahil sa apela ng Alliance Rubber Company (AR) ng Amerika.

Ayon sa trade remedies procedure ng Amerika, gagawa ng inisyal na kapasiyahan ang International Trade Commission ng Estados Unidos, mga Marso 16. Kung ipalalagay ng organong ito na idudulot ng naturang produkto ang substansyal na kapinsalaan o banta sa kinauukulang industrya ng Amerika, ipagpapatuloy ng Kagawaran ng Komersyo ang imbestigasyon, at magkahiwalay na gagawa ng inisyal na hatol sa AD at CVD investigation sa Abril at Hulyo ng taong ito.

Ipinakikita ng estadistika ng Kagawaran ng Komersyo ng Amerika na halos 4.9 milyong dolyares, 2 milyong dolyares at 12.12 milyong dolyares ang kabuuang halaga ng gomang inangkat ng Amerika mula sa Tsina, Sri Lanka at Thailand noong 2017, ayon sa pagkakasunod.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino