Resepsyon para sa Chinese New Year, idinaos sa Downing Street

2018-02-23 12:17:10 CRI

Sa kanyang talumpati kamakailan sa pagtitipon sa Downing Street bilang pagdiwang sa Spring Festival ng Tsina, ipinahayag ni Punong Ministro Theresa May ng Britanya na nagkaroon siya ng matagumpay na pagdalaw sa Tsina noong Enero ng kasalukuyang taon. Nilagdaan aniya ng dalawang panig ang mga kasunduang komersyal na nagkakahalaga ng mahigit 9 bilyong Pound.

Ipinahayag ng punong ministrong Britaniko na gumawa ang mga overseas Chinese ng mahalagang ambag sa pag-unlad ng lipunan at kabuhayan ng Britanya. Samantala, bilang kinatawan ng mga Tsino sa Britanya, ginawaran ni May si Ginoong Jenny Wong ng “Points of Light Award.”

Dumalo sa pagtitipong ito si Embahador Liu Xiaoming ng Tsina sa Britanya, at mahigit 100 kinatawan mula sa ibat-ibang sektor ng dalawang panig.





Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino