Mas mahigpit na sangsyon ng Amerika, kinondena ng Hilagang Korea

2018-02-26 12:24:23 CRI

Ipinahayag Pebrero 25, 2018 ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Hilagang Korea ang pagkondena sa pagpapataw ng bagong round ng sangsyon ng Amerika laban sa bansa. Ito'y naglalayong lumikha ng bagong komprontasyon at digmaan sa Peninsula ng Korea, aniya pa.

Sinabi ng nasabing tagapagsalita na kung ipagwawalang-bahala ng Amerika ang pagsisikap ng Hilaga at Timog Korea para sa pagpapabuti ng bilateral na relasyon at magkasamang pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng peninsula, at pahihigpitin ang pagpapataw ng sangsyon laban sa Hilagang Korea, magsasagawa ng katugong hakbang hinggil dito, ang Hilagang Korea.

Noong ika-23 ng buwang ito, ipinatalastas ni Pangulong Donald Trump ng Amerika ang pagpapataw ng pinakamahigpit na sangsyon laban sa Hilagang korea.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino