Britanya, nakahandang magkaroon sila ng EU ng "pinakamalalim at pinakamalawak" na kasunduan sa kalakalan

2018-03-03 16:11:47 CRI

Biyernes, Marso 2, 2018, nagpahayag si Punong Ministro Theresa May‎ ng Britanya ng pag-asang mararating ng Britanya, kasama ng Unyong Europeo (EU), ang isang "pinakamalalim at pinakamalawak" na kasunduan sa kalakalan ng pag-aalis ng EU. Binigyang-diin din niyang hindi dapat magsapanganib sa pagkakataon ng hanap-buhay ng mga mamamayan ang nasabing kasunduan.

Winika ito ni May sa kanyang talumpati nang araw ring iyon sa City of London.

Iniharap din niya ang 5 prinsipyong tagapatnubay sa susunod na talastasan hinggil sa pag-aalis ng EU. Ibig sabihin, ang kasunduan ay dapat kumatawan sa resulta ng reperendum sa pag-aalis ng EU, dapat maging pangmatalagan ito, dapat itong mangalaga sa pagkakataon ng hanap-buhay at kaligtasan ng mga mamamayan, dapat magkatugma sa ekspektasyon ng Britanya sa pagiging moderno't bukas na bansa, at dapat magpalakas ng pagkakaisa at unipikasyon ng Britanya bilang united kingdom.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino