Pangkalahatang Kalihim ng UN: proteksyonismo, hindi solusyon sa isyung pangkalakalan

2018-04-06 16:52:37 CRI

Kaugnay ng alitang pangkalakalan ng Tsina at Amerika, ipinahayag kahapon, Huwebes, ika-5 ng Abril 2018, ni Pangkalahatang Kalihim Antonio Guterres ng United Nations (UN), na ang proteksyonismo ay hindi solusyon sa anumang isyu, at ang diyalogo ay karapat-dapat na pagpili ng iba't ibang panig.

Ipinahayag din ni Guterres ang pagkatig sa multilateralismo at malayang kalakalan. Aniya, bilang tugon sa mga umiiral na problema sa globalisasyon, ang dapat gawin ng iba't ibang panig ay pagpapabuti ng globalisasyon, sa halip na paglaban dito.

Dagdag ni Guterres, ang mga bungang natamo ng Tsina sa nakalipas na 40-taong reporma at pagbubukas sa labas ay nagpapakita ng matagumpay nitong pagsasapraktika ng globalisasyong pangkabuhayan. Ang pag-unlad ng kabuhayang Tsino aniya, ay positibong lakas tagapagpasulong sa kabuhayan ng daigdig.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino