Amerika, Britanya, at Pransya, inilunsad ang pag-atake sa Syria

2018-04-14 11:06:36 CRI

Ipinatalastas kagabi, Biyernes, ika-13 ng Abril 2018, ni Pangulong Donald Trump ng Amerika, na sinimulan na ng Sandatahang Lakas ng kanyang bansa, kasama ng Britanya at Pransya, ang "precision strikes" sa mga target na may kinalaman sa mga pasilidad ng sandatang kemikal ng Syria.

Ito aniya ay bilang tugon sa di-umanong "pag-atake ng sandatang kemikal," na naganap noong ika-7 ng buwang ito sa Eastern Ghouta ng Syria. Ani Trump, may katibayan ang panig Amerikano, na nagpapatunay na ang naturang atake ay isinagawa ng pamahalaan ng Syria. Pero, pinabulaanan ito ng pamahalaan ng Syria.

Amerika, Britanya, at Pransya, inilunsad ang pag-atake sa Syria

Amerika, Britanya, at Pransya, inilunsad ang pag-atake sa Syria

Amerika, Britanya, at Pransya, inilunsad ang pag-atake sa Syria

Samantala, kinumpirma naman ng Syria ang pag-atakeng inilunsad ng Amerika, Britanya, at Pransya. Ayon sa Pambansang Telebisyon ng Syria, ang pag-atake ay sinimulan ngayong madaling araw, local time, at ito anito ay pananalakay sa bansa. Ayon pa rin sa naturang telebisyon, isang sentro ng siyentipikong pananaliksik at ilang bodega ng munisyon ang inatake, at hinarang ng air defence system ng tropa ng Syria ang 13 missile.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino