Pangulo ng Rusya at Iran, tinalakay ang kalagayan sa Syria

2018-04-16 12:07:24 CRI

Nag-usap Abril 15, 2018 sa telepono sina Pangulong Vladimir Putin ng Rusya at Pangulong Hassan Rouhani ng Iran.

Tinukoy ng dalawang pangulo na ang aksyong militar na isinagawa ng Amerika, Britanya at Pransya laban sa Syria ay labag sa pandaigdigang batas at Karta ng United Nations (UN). Ito anila'y hindi lamang makakasama sa pagsisikap ng komunidad ng daigdig para sa paglutas sa isyu ng Syria sa pamamagitan ng paraang pampulitika, kundi magdudulot din ng magulong kalagayang panrehiyon at pandaigdig.

Bukod dito, nagpalitan din ng kuru-kuro ang dalawang pangulo hinggil sa kalagayan sa Yemen at Gitnang Silangan, at mga isyung may-kinalaman sa pagpapalawak ng pagtutulungang pangkalakalan ng dalawang bansa.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino