AL Summit, ipininid: imbestigasyon hinggil sa sandatang kemikal ng Syria, ipinanawagan

2018-04-16 12:09:24 CRI

Ipininid Abril 15, 2018 ang Summit ng Liga ng mga Bansang Arabe (AL) sa Dhahran, lunsod sa gawing silangan ng Saudi Arabia.

Sa pahayag na ipinalabas ng summit, nanawagan ito para sa pagsasagawa ng komunidad ng daigdig ng nagsasariling imbestigasyon hinggil sa di-umano'y paggamit ng “sandatang kemikal” ng Syria.

Hinihimok din ng pahayag ang pag-uurong ng lahat tropang dayuhan mula sa Syria, para pangalagaan ang kabuuan ng soberanya at teritoryo ng bansa.

Dumalo sa pagtitipong ito ang mga kinatawan ng mga organisasyong panrehiyon at pandaigdig na kinabibilangan nina Antonio Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng UN; Ahmad Abdoul Gheit, Pangkalahatang Kalihim ng AL; Federica Mogherini, Mataas na Kinatawan ng Unyong Europeo sa mga Suliraning Pandiplomasiya at Panseguridad; at Moussa Faki, Tagapangulo ng African Union.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino