Mga ministrong panlabas ng Shanghai Cooperation Organization, magpupulong sa Beijing

2018-04-19 11:47:36 CRI

Beijing,Tsina—Nakatakdang idaos Abril 24, 2018 ang Pulong ng Konseho ng mga Ministrong Panlabas ng Shanghai Cooperation Organization (SCO).

Ang gaganaping pulong ay magsisilbing paghahanda para sa SCO Summit na idaraos sa darating na Hunyo, sa Qingdao, lunsod sa dakong silangan ng Tsina.

Lalahok sa nasabing pulong ang mga ministrong panlabas mula sa walong kasaping bansa ng SCO na kinabibilangan ng Tsina, India, Kazakhstan, Kyrgyzstan, Pakistan, Rusya, Tajikistan, at Uzbekistan.

Salin: Jade
Pulido: Mac

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino