H.Korea: nuclear test at subok-lunsad ng missiles, suspendido

2018-04-21 10:58:28 CRI

Ayon sa ulat ngayong araw, Sabado, ika-21 ng Abril 2018, ng Korean Central News Agency, mula araw na ito, inihinto ng Hilagang Korea ang nuclear test at subok-lunsad ng mga inter-continental ballistic missile.

Ayon sa ulat, ang desisyong ito ay ginawa sa pulong na idinaos kahapon ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Workers' Party of Korea (WPK). Bilang katugong hakbangin, aalisin din ng H.Korea ang northern nuclear test ground.

Ayon sa resolusyong pinagtibay sa naturang pulong, ang pagsuspendi ng H.Korea ng nuclear test ay mahalagang hakbang para sa pandaigdig na nuclear disarmament, at lalahok din ang bansa sa paghahangad at pagsisikap ng buong daigdig para sa lubusang paghihinto ng nuclear test.

Ayon pa sa resolusyon, kung walang nuclear threat o nuclear provocation laban sa H.Korea, hinding hindi gagamitin ng bansang ito ang sandatang nuklear. At sa kahit anumang kalagayan, hinding hindi nito ibabahagi ang sandatang nuklear o teknolohiyang nuklear.

Ayon pa rin sa resolusyon, para lumikha ng paborableng kapaligirang pandaigdig para sa pag-unlad ng H.Korea, at pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng Korean Peninsula at daigdig, aktibong isasagawa ng bansang ito ang mahigpit na pakikipag-ugnayan at pakikipagdiyalogo sa mga kapitbansa at komunidad ng daigdig.

Ang naturang desisyon ng H.Korea ay binigyan ng positibong pagtasa ng komunidad ng daigdig.

Sinabi ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ito ay makakatulong sa ibayo pang pagpapahupa ng tensyon sa Korean Peninsula, pagsasakatuparan ng walang nuklear na peninsula, at pulitikal na paglutas sa mga isyu sa peninsula. Umaasa rin aniya ang Tsina, na gagawa ang mga may kinalamang panig ng positibong reaksyon sa panig H.Koreano, at magsisikap para sa pangmatagalang kapayapaan at komong kaunlaran sa rehiyong ito.

Ipinahayag naman ng tanggapang pampanguluhan ng Timog Korea ang mainit na pagtanggap sa naturang desisyon ng H.Korea. Ito anito ay lumikha ng napakabuting kapaligiran para sa tagumpay ng gagawing summit sa pagitan ng Timog at Hilagang Korea, at ng H.Korea at Amerika.

Sinabi naman ni Pangulong Donald Trump ng Amerika, na ang naturang desisyon ay H.Korea ay malaking progreso. Ipinahayag din niya ang pananabik sa pakikipagtagpo kay Kim Jong Un, lider ng H.Korea.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino