UN official, pinapurihan ang ambag ng Tsina para sa rehiyonal na katatagan at pag-unlad

2018-04-24 10:10:28 CRI

Ipinahayag kamakailan ni Tadamichi Yamamoto, namamahalang tauhan ng United Nations (UN) Assistance Mission in Afghanistan, na nitong ilang taong nakalipas, nakakapagbigay ang Tsina ng positibong ambag para sa katatagan at kaunlaran ng rehiyon. Aniya, may malawak na prospek ang kooperasyon ng UN at Tsina sa Afghanistan.

Sinabi niya na ang pagtataguyod ng magkakasamang pagtatatag ng "Belt and Road" at Economic Corridor ng Tsina at Pakistan, ay angkop sa komong mithiin ng mga bansa sa rehiyong ito. Ito aniya ay nakakalikha ng mahalagang pagkakataon para sa pagpapalagayang pangkabuhayan at pangkalakalan ng Afghanistan at rehiyong ito.

Ipinahayag pa niya ang kahandaan ng UN na magsikap kasama ng Tsina upang makapagbigay ng mas maraming ambag para sa katatagan at kasaganaan ng Afghanistan at rehiyon sa hinaharap.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino