Nuclear test site ng H.Korea, sasarhan sa Mayo--T.Korea

2018-04-29 17:42:42 CRI

Ayon sa ulat ngayong araw, Linggo, ika-29 ng Abril 2018, ng tanggapang pampanguluhan ng Timog Korea, sa Inter-Korean Summit na idinaos nitong Biyernes, ipinahayag ni Kim Jong Un, Kataas-taasang Lider ng Hilagang Korea, na sasarhan ng kanyang bansa sa darating na Mayo, ang pangunahing nuclear test site nito sa Punggye-ri sa hilagang silangang bahagi ng bansa.

Sinabi rin ni Kim, na ang proseso ng pagsasara ng naturang nuclear test site ay bukas sa buong daigdig, at aanyayahan ang mga eksperto at mamamahayag ng T.Korea at Amerika sa H.Korea, para saksihan ito.

Ayon pa rin sa may kinalamang ulat, magkahiwalay na nakipag-usap sa telepono kahapon, si Pangulong Donald Trump ng Amerika sa mga lider ng T.Korea at Hapon, hinggil sa pinakahuling development ng kalagayan sa Korean Peninsula.

Sa mga pag-uusap, ipinahayag ni Trump, na ang kapayapaan at kasaganaan ng H.Korea sa hinaharap ay depende sa "lubusan, masisiyasat, at di-magbabagong denuklearisasyon." Ipinalalagay din ni Trump, na dapat itakwil ng H.Korea ang lahat ng mga sandatang pamuksa nang malakihan at ballistic missile.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino