Rusya at T.Korea, positibo sa mga bunga ng Inter-Korean Summit

2018-04-30 15:18:36 CRI

Nag-usap sa telepono kahapon, Linggo, ika-29 ng Abril 2018, sina Pangulong Vladimir Putin ng Rusya at Pangulong Moon Jae-in ng Timog Korea. Tinukoy nilang, ang mga bungang natamo sa summit ng Timog at Hilagang Korea ay makakabuti sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito.

Ayon sa ulat ng tanggapang pampanguluhan ng Rusya, sa pag-uusap sa telepono, binigyan ng dalawang lider ng positibong pagtasa ang mga natamong bunga sa naturang summit, lalung-lalo na, ang pagkakaroon ng Timog at Hilagang Korea ng komong target hinggil sa pagsasakatuparan ng walang nuklear na Korean Peninsula.

Samantala, nagbigay-diin si Putin sa kahalagahan ng patuloy na paggawa ng pagsisikap ng iba't ibang may kinalamang panig, para sa paglutas ng isyu ng Korean Peninsula, sa pamamagitan ng pulitikal at diplomatikong paraan. Inulit din niya ang kahandaan ng panig Ruso na patuloy na magbigay-tulong sa pagpapasulong ng pragmatikong kooperasyon ng Timog at Hilagang Korea.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino