Palestina, hindi tinatanggap ang Amerika bilang separate mediator sa prosesong pangkapayapaan ng Palestina at Israel

2018-05-01 17:36:33

Inulit Lunes, Abril 30, 2018, ni Pangulong Mahmoud Abbas ng Palestina, na hindi tinatanggap ng kanyang bansa ang Amerika bilang separate mediator sa prosesong pangkapayapaan ng Palestina at Israel.

Ipinahayag nang araw ring iyon sa Ramallah ni Abbas na kung talagang nais gawin ng Amerika ang nakakatulong na bagay, dapat itong katigan ang "Plano ng Dalawang Estado," at dapat ding katigang ang East Jerusalem ay kapital ng nagsasariling estadong Palestina.

Noong Disyembre 6, 2017, ipinatalastas ni US President Donald Trump na kinikilala ng Amerika na ang Jerusalem ay kapital ng Israel, bagay na nagdulot ng matinding kawalang-kasiyahan ng panig Palestino.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino