UN Secretary-General, kinondena ang pananalakay sa Afghanistan

2018-05-01 17:42:54

Kaugnay ng naganap na maraming insidente ng pananalakay sa Afghanistan, ipinahayag Lunes, Abril 30, 2018, ni Pangkalahatang Kalihim António Guterres ng United Nations (UN), ang kanyang pagkapoot. Ipinahayag din niya ang taos-pusong pakikiramay sa mga pamilya ng mga biktima.

Lunes ng umaga, Abril 30, naganap sa Kabul, kabisera ng Afghanistan, ang dalawang bomb attack na ikinamatay ng di-kukulangin sa 21 katao, at ikinasugat ng 40 iba pa. Nang araw ring iyon, sa isang suicide car bombing incident na naganap sa probinsyang Kandahar sa katimugan ng Afghanistan, di-kukulangin 11 bata ang namatay, at 16 iba pa ang nasugatan.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino