Pagsabog sa Afghanistan, kinondena ng UN Security Council

2018-05-02 10:36:03 CRI

Sa isang pahayag na ipinalabas unang araw ng Mayo ng UN Security Council(UNSC), mahigpit nitong kinondena ang pagsabog na naganap kamakailan sa Kabul at lalawigang Kandahar, Afghanistan. Nakiramay rin ang UNSC sa mga biktima at kanilang pamilya. Anang pahayag, dapat parusahan ayon sa batas ang mga may kagagawan, at dapat din makipagtulungan ang lahat ng mga kasaping bansa ng UN sa Afganistan, alinsunod sa pandaigdigang batas at obligasyong itinakda sa mga may-kinalamang resolusyon ng UNSC.

Inulit ng UNSC, na kailangang magkaroon ng magkasamang pagsisikap  ang komunidad ng daigdig para pigilin ang lahat ng mga teroristikong aktibidad upang pangalagaan ang kapayapaan at seguridad ng daigdig.

Naganap noong Abril 30 sa Kabul at Kandahar, Afghanistan ang isang serye ng pagsabog, na ikinamatay ng 41 katao, at ikinasugat ng 45 iba pa.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino