Morocco, ipinatalastas ang pagkakasira ng relasyong diplomatiko sa Iran

2018-05-02 16:04:04

Rabat, Morocco-Ipinatalastas dito Martes, Mayo 1, 2018, ni Nasser Bourita, Ministro ng mga Suliraning Panlabas at Kooperasyong Pandaigdig ng Morocco, ang pagkakasira ng relasyong diplomatiko sa Iran.

Sa news briefing nang araw ring iyon, sinabi ni Bourita na may eksaktong ebidensiya ang kinauukulang departamento ng kanyang bansa para magpatunay na sa pamamagitan ng Hezbollah ng Lebanon, ipinagkaloob ng Iran ang pondo sa Polisario Front, inihatid ang mga sandata sa kanila, at tumulong sa pagsasanay ng mga tauhan nito: bagay na malubhang nagsasapanganib sa pambansang katiwasayan at interes ng Moroco.

Noong 2009, ipinatalastas minsan ng Morocco ang pagkakasira ng relasyong diplomatiko sa Iran, bilang protesta sa “di-angkop na pananalita” ng Iran tungkol sa soberanya ng Kingdom of Bahrain. Noong Enero ng 2017, pormal na napanumbalik ang relasyon ng Morocco at Iran.

Salin: Vera

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino