Kalagayan sa Gitnang Silangan, tinalakay ng Tsina at Saudi Arabia

2018-05-07 10:51:38 CRI

Nag-usap sa Saudi Arabia Mayo 6, 2018 sina Gong Xiaosheng, Sugo ng Tsina sa isyu ng Gitnang Silangan at kanyang Saudi Arabian counterpart na si Jamal Aqeel, at nagpalitan sila ng kuru-kuro hinggil sa situwasyon ng nasabing rehiyon.

Ipinahayag ni Gong na bilang kaibigan ng mga bansa ng Gitnang Silangan, umaasa ang Tsina na maisasakatuparan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon sa lalong madaling panahon, sa pamamagitan ng diyalogong pampulitika. Nakahanda aniya ang Tsina na gumanap ng konstruktibong papel sa usaping ito.

Ipinahayag naman ni Jamal Aqeel ang pagpapahalaga sa makatarungan at positibong papel ng Tsina sa isyu ng Gitnang Silangan. Umaasa aniya siyang gaganap ang Tsina ng mas mahalagang papel sa prosesong pangkapayapaan ng rehiyong ito.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino