Relasyong Sino-Hapones, isusulong sa iba't ibang larangan

2018-05-10 11:30:38 CRI

Tokyo, Japan—Pagkaraan ng kanilang pagtatagpo, magkasamang humarap sa mga mamamahayag kagabi, Miyerkules, Mayo 9, 2018, sina dumadalaw na Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon.

Pagtitiwalaang pulitikal, palalakasin

Anang dalawang lider, ang pagpapabuti at pagpapaunlad ng relasyong Sino-Hapones ay angkop sa kapananan ng dalawang bansa, at makakabuti rin ito sa kapayapaan at kasaganaan ng rehiyon. Sa okasyon ng ika-40 anibersaryo ng paglagda ng dalawang bansa sa Tratado ng Kapayapaan at Pagkakaibigan na natatapat ngayong taon, kailangan anilang sariwain ang diwa ng nasabing tratado para pagtibayin ang pundasyong pulitikal ng bilateral na ugnayan.

Nangako rin ang Tsina't Hapon na tumalima sa apat na dokumentong pulitikal ng dalawang bansa, at maayos na hawakan ang mga sensitibong isyu na gaya ng isyung pangkasaysayan at isyu ng Taiwan. Patutunayan din nila, sa pamamagitan ng aksyon, ang narating na pagkakasundong pulitikal na nagsisilbing magkatuwang na pangkooperasyon, sa halip na magsilbing banta sa isa't isa.

Kooperasyon sa ibang sektor, pahahalagahan

Kasabay ng pagpapalakas ng pagtitiwalaang pulitikal, sumang-ayon din ang dalawang bansa na pasusulungin ang pagtutulungan sa pinansya, pagtitipid sa enerhiya, hay-tek, sharing economy, serbisyong medikal, pag-aaruga sa matatanda, pamahalaang lokal, at iba pa.

Sang-ayon din silang pahigpitin ang people-to-people exchange.

Mga dokumentong pangkooperasyon, pinirmahan

Tumayong-saksi ang dalawang punong ministro sa paglagda sa serye ng dokumentong pangkooperasyon na may kinalaman sa kultura, pampublikong kalusugan, kalakalan sa serbisyo, pamilihan ng ikatlong panig, mekanismo ng ugnayang panghimpapawid at pandagat.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino