Pag-urong ng Amerika sa Iran nuclear deal, nakapinsala sa pandaigdig na pagtitiwalaan: Merkel

2018-05-12 16:00:40 CRI

Ipinahayag Biyernes, Mayo 11, 2018 ni Angela Merkel, Chancellor ng Alemanya na ang pag-urong ng Amerika sa Iran nuclear deal ay nakapinsala sa tiwala sa pandaigdig na kaayusan.

Sa isang aktibidad sa Muenster, lunsod sa dakong kanluran ng Alemanya, sinabi ni Merkel na ang nasabing kapasiyahan ng Amerika ay nagdulot ng presyur sa multilateralismo. Patuloy na mananangan aniya ang Alemanya sa multilateralismo.

Makaraang ipatalastas ni Trump ang pag-urong ng Amerika sa nasabing kasunduan nitong Martes, Mayo 8, inilabas ng Alemanya, Britanya, at Pransya ang magkasanib na pahayag na mananatili ang tatlong bansa bilang kasapi ng kasunduan.

Ang Iran nuclear deal na pormal na tinatawag na Joint Comprehensive Plan of Action (JCPOA) ay nilagdaan noong 2015 sa pagitan ng Iran, limang permanenteng miyembro ng UN Security Council (China, the U.S., UK, France at Russia), Alemanya at Unyong Europeo.

Salin: Jade
Pulido: Mac

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino