Amerika: aalisin ang mga sangsyong pangkabuhayan laban sa H.Korea, kung maisasakatuparan ang ganap na denuklearisasyon

2018-05-14 15:34:17 CRI

Sa magkahiwalay na panayam kahapon, Linggo, ika-13 ng Mayo 2018, sa Columbia Broadcasting System at Fox News, ipinahayag ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika, na kung maisasakatuparan ng Hilagang Korea ang ganap na denuklearisasyon, aalisin ng Amerika ang mga sangsyong pangkabuhayan laban dito, at papayagan ang pribadong sektor ng Amerika na mamuhunan sa bansang ito.

Isiniwalat din ni Pompeo, na papayagan ding mamuhunan ang pribadong sektor ng Amerika sa mga aspekto ng enerhiya, elektrisidad, imprastruktura, at agrikultura ng H.Korea. Ito aniya ay makakatulong sa kasaganaan ng kabuhayan ng bansa.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino