Kasama ang Britanya; EU, umaasang maitatatag ang partnership sa larangang diplomatiko at panseguridad

2018-05-15 11:33:57 CRI

Brussels — Ipinahayag Lunes, Mayo 14, 2018, nina Federica Mogherini, Mataas na Kinatawan ng Unyong Europeo (EU) na namamahala sa patakarang diplomatiko at panseguridad, at Michel Barnier, Chief Negotiator sa "Pagtalikod ng Britanya sa EU" na makaraang pormal na tumalikod ang Britanya sa EU, ang pagtatatag ng mahigpit na partnership ng dalawang panig sa larangan ng diplomasya, seguridad, at depensa, ay angkop sa kanilang komong kapakanan. Umaasa rin silang sa pamamagitan ng mga mekanismong gaya ng diyalogo, pagsasanggunian, at kooperasyon, mapapalakas ang partnership ng dalawang panig.

Sa isang mataas na simposyum tungkol sa patakarang diplomatiko, panseguridad, at pandepensa, sinabi ni Mogherini na hindi binago ng pagtalikod ng Britanya sa EU, ang geographical relation, at ang Britanya ay nananatili pa ring isang bahagi ng Europa. Samantala, ang paglutas sa mga suliraning pandaigdig na tulad ng situwasyon sa Gitnang Silangan, at isyung nuklear ng Iran, ay nangangailangan ng komong papel ng Britanya at EU, aniya pa.

Ipinagdiinan naman ni Barnier na sa hinaharap, dapat palakasin ang partnership ng dalawang panig sa pamamagitan ng isang serye ng mekanismong gaya ng diyalogo, pagkokoordinahan, kooperasyon, at impormasyon.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino