Delegasyong Tsino, dumating ng Amerika para sa konsultasyong pangkabuhaya't pangkalakalan

2018-05-16 15:13:14 CRI

Washington D.C., Amerika--Sa paanyaya ng pamahalaang Amerikano, dumating dito Martes ng hapon, Mayo, 15, 2018 (local time), ang delegasyong pangkabuhaya't pangkalakalan ng Tsina, na pinamumunuan ni Liu He, Espesyal na Sugo ni Pangulong Xi Jinping at Pangalawang Premyer Tsino.

Nanunungkulan din si Liu bilang miyembro ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina at puno ng panig Tsino sa Komprehensibong Diyalogong Pangkabuhayan ng Tsina at Amerika.

Binubuo ang delegasyon ng mga puno ng pangunahing departamento ng pamahalaang Tsino, na gaya ng Bangko Sentral ng Tsina na People's Bank of China, National Development and Reform Commission (NDRC), Central Commission for Financial and Economic Affairs, Ministri ng Industriya at Impormasyon, Ministri ng Pinansya, Ministri ng Agrikultura at mga Suliraning Rural, at Ministri ng Komersyo.

Nauna rito, dumating ng Amerika ang working group nitong nagdaang linggo upang simulan ang mga konsultasyon sa panig Amerikano.

Salin: Jade
Pulido: Mac

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino