US China Innovation and Investment Summit, ipininid sa Houston

2018-05-17 15:17:35 CRI

Ipininid noong ika-15 ng Mayo, (local time), 2018 ang ika-3 US China Innovation and Investment Summit (UCIS) sa Houston, Amerika. Dalawampu't apat na proyekto ang umangat sa "Innostars" preliminary competition, at natamo nila ang pagkakataong pumunta sa Tsina para sa road show.

Sinabi ni Li Qiangmin, Consul General ng Tsina sa Houston na ginagamit ang platapormang ito, para mas maraming bahay-kalakal ng Amerika ang nabigyan ng pagkakataong pumasok sa pamilihan ng Tsina. Dagdag pa riyan, ito aniya ay nakakabuti rin sa pagpapataas ng lebel ng inobasyon ng Tsina. Aniya, ang kooperasyon sa inobasyon ng siyensiya at teknolohiya ay nagiging bagong tampok ng kooperasyon ng Tsina at Amerika.

Samantala, masaya si Sylvester Turner, Mayor ng Houston sa parami nang paraming Tsinong nakahandang magsimula ng negosyo sa kanyang lunsod. Aniya, ang Houston ay may maayos na kapaligiran para sa inobasyon at paglikha ng bagong bakay-kalakal.

Ang UCIS ay itinaguyod ng US China Innovation Alliance at China Science and Technology Exchange Center. Idinaos ang mga aktibidad na gaya ng "INNOSTARS" preliminary competitions, innovation forums, B2B matchmaking, company exhibits at iba pa. Mahigit 500 bahay-kalakal ang lumahok at nagpalitan hinggil sa advanced manufacturing, health care at biotechnology, new energy at new materials, environmental protection technology, artificial intelligence at virtual reality, information at communication technology.

salin:Lele

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino