Mga ministrong panlabas ng Tsina at Espanya, nag-usap

2018-05-18 12:00:15 CRI

Madrid, Espanya—Huwebes, Mayo 17, 2018, nag-usap si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at ng kanyang counterpart ng Espanya na si Alfonso Dastis.

Sinabi ni Wang na ang Espanya ay kaibigan ng Tsina sa Europa, at maalwan ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa nitong nakalipas na ilang taon. Aniya ang kasalukuyang taon ay ika-45 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Espanya. Nakahanda aniya ang Tsina na palakasin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan nila ng Espanya sa mga larangang gaya ng siyensiya't teknolohiya at turismo, at palawakin ang kooperasyon sa konektibidad, konstruksyon ng imprastruktura, enerhiya, telekomunikasyon at iba pang larangan.

Ipinahayag naman ni Dastis na buong pananabik na inaasahan ng kanyang bansa ang pagdalaw ng lider ng Tsina sa Espanya. Nakahanda aniyang mahigpit na makipagkoordina sa panig Tsino, para maigarantiya ang tagumpay ng naturang pagdalaw, at mapatingkad ang bagong lakas-panulak para sa pag-unlad ng relasyong Sino-Espanyo sa hinaharap.

Pagkatapos ng pag-uusap, magkasamang nakipagtagpo sa mga mamamahayag ang dalawang ministrong panlabas.

Ayon kay Wang Yi, sinang-ayunan ng kapuwa panig na gawing pagkakataon ang ika-45 anibersayo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, para mapataas ang komprehensibo't estratehikong partnership ng Tsina at Espanya sa bagong antas. Sasamantalahin din aniya nila ang pagkakataon ng magkasamang pagtatatag ng Belt and Road, para mapasulong ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng dalawang bansa. Sang-ayon silang dapat palakasin ang estratehikong pag-uugnayan at pagtutulungan sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig, upang gumawa ng mas malaking ambag para sa pangangalaga sa umiiral na regulasyon at kaayusang pandaigdig, at pagpapasulong sa kapayapaan at katatagan ng daigdig.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino