Eroplanong pampasaherong may lulang 104 na pasahero, bumagsak sa Cuba

2018-05-19 16:42:34 CRI

Ayon sa panig opisyal ng Cuba, bumagsak kahapon, Biyernes, ika-18 ng Mayo 2018, sa paliparan ng Havana, kabisera ng bansang ito, ang isang Boeing 737 eroplanong pampasahero, na may lulang 104 na pasahero.

Sinabi ng local media, na 4 na katao ang iniligtas, pero 2 sa kanila ang namatay na, at 2 iba pa ang nasa kritikal na kalagayan. Ang naturang eroplano ay kabilang sa Cubana Airlines, at bumagsak ito ilang sandali makaraang lumipad.

Hanggang sa kasalukuyan, wala pang opisyal na pahayag hinggil sa bilang ng mga nasawi sa aksidenteng ito. Sinimulan na ng pamahalaan ng Cuba ang imbestigasyon.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino