2 pamamaril sa paaralan, naganap sa Amerika

2018-05-19 16:39:35 CRI

Naganap kahapon, Biyernes, ika-18 ng Mayo 2018, sa mga mataas na paaralan ng Amerika ang 2 insidente ng pamamaril.

Ayon sa ulat, ang pamamaril na naganap sa isang paaralan sa Texas ay ikinamatay ng 10 katao, at ikinasugat ng 10 iba pa. Sumuko sa mga pulis ang salarin ng insidente, na isang 17 taong gulang na estudyante, at dinakip din ng kapulisan ang isa pang suspek.

Isa pang pamamarili ang naganap sa paaralan sa Estado ng Georgia. Ikinamatay ito ng isang katao, at ikinasugat ng 2 iba pa. Hindi pa ipinaaalam ng panig pulisya ang mga impormasyon hinggil sa gunman.

Pagkaraang maganap ang dalawang insidenteng ito, ipinahayag ni Pangulong Donald Trump ang pakikiramay sa mga nabiktima. Muli rin niyang ipinangakong, isagawa ang mga hakbangin, para palakasin ang seguridad sa mga paaralan.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino