Pakikipag-usap sa lider ng Hilagang Korea, posibleng ipagpaliban-Pangulong Amerikano

2018-05-23 11:04:35 CRI

Nakipag-usap Mayo 22, 2018 sa White House si Pangulong Donald Trump ng Amerika kay dumadalaw na Pangulong Moon Jae-in ng Timog Korea.

Nang araw ring iyon, sa isang magkasanib na preskon, ipinahayag ni Pangulong Trump na posibleng ipagpaliban ang kanyang pakikipag-usap kay Kim Jong-un, Kataas-taasang Lider ng Hilagang Korea, na nakatakdang idaos sa Hunyo ng taong ito. Ipinahayag niyang kung hindi makakatugon sa “paunang kondisyon” ng Amerika, hindi idaraos ang nasabing pag-uusap.

Nauna rito, ipinahayag naman ni Kim Kye-gwan, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Hilagang Korea na ang nasabing kondisyon na “unahin ang pagsasakatuparan ng denuclearization sa Peninsula ng Korea, ay isagawa ang pagbibigay-kompensasyon” ay paghahadlang ng Amerika sa diyalogo.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino