Ika-15 anibersaryo ng pagpapatibay ng UN Convention against Corruption, ginunita

2018-05-24 12:54:47 CRI

Miyerkules, Mayo 23, 2018, nagpulong ang United Nations (UN) bilang paggunita sa ika-15 anibersaryo ng pagpapatibay ng UN Convention against Corruption. Dumalo sa pulong ang mga kinatawan mula sa 184 signataryong bansa at mga kaukulang organisasyong pandaigdig. Kalahok din dito sina Miroslav Lajcak, Tagapangulo ng Pangkalahatang Asamblea ng UN, at Antonio Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng UN. Nagkaroon ng malawakang komong palagay tungkol sa ibayo pang pagpapatingkad ng papel ng nasabing kombensyon, pagpapalakas ng pragmatikong kooperasyon ng iba't ibang bansa, at pagsasagawa ng mabisang hakbangin para pigilan at bigyang-dagok ang katiwalian.

Binigyang-diin sa pulong ng delegasyong Tsino na ang paglaban sa katiwalian ay komong hangarin ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa. Anito, dapat igiit ang multilateralismo, at komprehensibong magtulungan ang mga bansa para bigyang-dagok ang korupsyon. Ayon pa rito, buong tatag na kakatigan ng Tsina ang pagpapatingkad ng UN ng namumunong papel sa larangan ng kooperasyong pandaigdig laban sa katiwalian, pasusulungin ang pragmatikong kooperasyon laban sa korupsyon, at gagawa ng ambag para sa pagtatatag ng community with shared future.

Pinagtibay ng ika-58 Pangkalahatang Asamblea ng UN ang nasabing kombensyon noong Oktubre, 2003, at ito'y may 184 sigataryong bansa hanggang ngayon. Ito ang siyang-tanging pandaigdigang dokumentong pambatas sa larangan ng paglaban sa katiwalian.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino