Mga kinatawan sa APEC Meeting, nagkasundo sa pagpapasulong ng kalakalan

2018-05-27 15:18:38

Port Moresby - Ipininid Sabado, Mayo 26, 2018, ang Pulong ng mga Mataas na Opisyal ng Kalakalan ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) sa taong 2018. Tinalakay ng mga kalahok ang tungkol sa, pangunahin na, kung paano kakatigan at pabubutihin ang multilateral na sistemang pangkalakalan, kung paanong palalalimin ang integrasyon at konektibidad ng kabuhayang panrehiyon, at iba pang tema. Pinagtibay sa pulong ang "Pahayag ng Ika-24 na Pulong ng mga Ministro ng Kalakalan ng APEC," at "Pahayag ng Tagapangulo sa Pagkatig sa Multilateral na Sistemang Pangkalakalan" kung saan narating ang malawakang komong palagay tungkol sa pagpapasulong ng multilateral na kalakalan.

Ayon sa "Pahayag ng Ika-24 na Pulong ng mga Ministro ng Kalakalan ng APEC," narating ng mga kalahok ang apat na komong palagay na kinabibilangan ng pagpapalalim ng integrasyon at konektibidad ng kabuhayang pandaigdig, pagpapasulong ng sustenable at inklusibong paglaki, pagpapasulong ng inklusibong paglaki sa pamamagitan ng reporma sa estruktura, at pagpapalakas ng kooperasyong pangkabuhayan at panteknolohiya.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino