Pangkalahatang Kalihim ng NATO: napapanatili ang Common Security and Defence Policy

2018-05-29 16:40:13

Sa North Atlantic Treaty Organization (NATO) Parliamentary Assembly's Spring Session na idinaos kahapon sa Warsaw ng Poland, sinabi ni Jens Stoltenberg, Pangkalahatang Kalihim ng NATO na datapuwa't mayroong pagkakaiba sa pagitan ng mga miyembro ng NATO, iginigiit ng NATO ang Common Security and Defence Policy para harapin ang hamon.


Ipinahayag ni Jens Stoltenberg na nitong ilang buwang nakalipas, umiiral ang pagkakaiba ng mga miyembro ng NATO sa mga mahalagang isyung tulad ng  Iran nuclear deal at iba pa. Pero, iginigiit ng NATO ang Common Security and Defence Policy. Sa NATO Summit na idaraos sa Brussels sa Hulyo ng taong ito, magdi-diyalogo ang mga miyembro ng NATO hinggil sa mga isyung kinabibilangan ng patakaran sa Rusya, kooperasyon ng NATO at Unyong Europeo (EU) at iba pa.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino