Mga lider ng Hapon at Amerika, magtatagpo bago ang nakatakdang pagtatagpo nina Trump at Kim Jong Un

2018-05-29 17:34:26 CRI

Sa kanilang pag-uusap sa telepono, kahapon, Lunes, ika-28 ng Mayo 2018, sinang-ayunan nina Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon, at Pangulong Donald Trump ng Amerika, na idaraos nila ang pagtatagpo, bago ang nakatakdang pagtatagpo nina Trump at Kim Jong Un, Kataas-taasang Lider ng Hilagang Korea.

Ayon kay Abe, sa naturang pag-uusap, sinang-ayunan din nila ni Trump, na mahigpit na magtutulungan ang dalawang panig, para maging makabuluhan ang pagtatagpo ng mga lider na Amerikano at H.Koreano, at itakwil ng H.Korea ang sandatang nuklear at pagdedebelop ng missile. Sinabi rin ni Abe, na hiniling niya kay Trump, na banggitin sa pagtatagpo ang isyu ng pagdukot ng mga agent ng H.Korea sa mga mamamayang Hapones, na naganap mula noong 1977 hanggang 1988.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino