Ministrong panlabas ng Rusya, dadalaw sa DPRK

2018-05-31 13:36:04 CRI

Ayon sa sirkular na inilabas Miyerkules, Mayo 30, 2018 sa website ng Ministring Panlabas ng Rusya, opisyal na dadalaw Huwebes sa Hilagang Korea (DPRK) si Ministrong Panlabas Sergei Lavrov ng Rusya. Mag-uusap ang mga namamahalang tauhan ng mga departamento ng ugnayang panlabas ng dalawang bansa, para talakayin ang isyu ng bilateral na relasyon, at magpalitan ng kuru-kuro hinggil sa kalagayan ng Korean Peninsula at ibang mahahalagang isyung panrehiyon at pandaigdig.

Sa isang pandaigdigang porum na idinaos nang araw ring iyon sa Moscow, sinabi ni Lavrov na sa isyung nuklear ng Korean Peninsula, tiyak na mabibigo ang pagtatangka na maapektuhan ang kalagayan sa pamamagitan ng pinal na diplomatic note at pagpapataw ng matinding presyur. Aniya, kinakatigan ng Rusya ang nagaganap na pagbabago sa relasyon ng Timog at Hilagang Korea, at relasyon ng Hilagang Korea at Amerika, at umaasa itong hindi matatapos ang nakatakdang pag-uusap ng Amerika at Hilagang Korea sa paraan ng pinal na diplomatic note.

Salin: Vera

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino