Kabuhayang pandaigdig, lalaki ng 3.8% at 3.9% sa taong 2018 at 2019—pagtaya ng OECD

2018-05-31 15:51:40 CRI

Inilabas Miyerkules, Mayo 30, 2018, ng Organization for Economic Cooperation and Development (OECD) ang Economic Outlook. Tinaya ng ulat na sa taong 2018 at 2019, lalago ng 3.8% at 3.9% ang kabuhayang pandaigdig, ayon sa pagkakasunod.

Anang ulat, ang maluwag na patakarang pansalapi at pinansyal ay nagsisilbing pangunahing lakas-panulak ng paglago ng kabuhayang pandaigdig. Pero kung ibayo pang itataas ang proteksyonismong pangkalakalan, magdudulot ito ng kapinsalaan sa pamumuhunan, hanap-buhay at iba pa, at madaragdagan ang panganib sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig.

Ayon sa pagtaya ng OECD, sa taong 2018 at 2019, aabot sa 2.9% at 2.8% ang paglaki ng kabuhayan ng Amerika; kapuwa aabot sa 1.2% ang paglaki ng kabuhayan ng Hapon; 2.2% at 2.1% ang Euro Zone; 7.4% at 7.5% ang India, at 2.0% at 2.8% ang Brazil.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino