Pagtatagpo ng mga lider ng Amerika at H.Korea, idaraos alinsunod sa iskedyul--Trump

2018-06-02 15:56:08 CRI

Pagtatagpo ng mga lider ng Amerika at H.Korea, idaraos alinsunod sa iskedyul--Trump

Ipinahayag kahapon, Biyernes, Hunyo 1 2018, ni Pangulong Donald Trump ng Amerika, na idaraos ang pagtatagpo nila ni Kim Jong Un, Kataas-taasang Lider ng Hilagang Korea, alinsunod sa nakatakdang iskedyul, na ika-12 ng buwang ito sa Singapore.

Winika ito ni Trump, pagkaraan ng kanyang pakikipagtagpo sa White House kay Kim Yong-chol, Pangalawang Tagapangulo ng Komite Sentral ng Workers' Party ng H.Korea.

Pagtatagpo ng mga lider ng Amerika at H.Korea, idaraos alinsunod sa iskedyul--Trump

Sinabi ni Trump, na sa naturang pagtatagpo, tinalakay ng dalawang panig ang halos lahat ng mga isyung kinabibilangan ng pagtatagpo ng mga lider ng dalawang bansa, at sangsyon ng Amerika laban sa H.Korea. Nananalig aniya siyang isasakatuparan ng H.Korea ang denuklearisasyon, at matatamo ng dalawang bansa ang positibong bunga. Dagdag niya, dahil bumubuti ang relasyon ng Amerika at H.Korea, hindi gagamitin ng Amerika ang "maximum pressure" sa H.Korea.

Hinahangaan din ni Trump ang papel ng Tsina sa pagpapasulong ng diyalogo ng Amerika at H.Korea.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino