Layon ng gagawing biyahe ni Benjamin Netanyahu sa Europa: pigilan ang isyung nuklear ng Iran

2018-06-04 10:39:40

Sa regular na cabinet meeting, ipinahayag Linggo, Hunyo 3, 2018, ni Punong Ministro Benjamin Netanyahu ng Israel, na sa kanyang gagawing biyahe sa Europa, tatalakayin nila ng mga lider ng Alemanya, Pransya, at Britanya ang tungkol sa kung paano patuloy na "pigilan ang isyung nuklear ng Iran."

Ani Netanyahu, i-u-ulit niya sa nasabing tatlong bansa na hindi pahihintulutan ng Israel ang "pagkakaroon ng Iran ng sandatang nuklear." Bukod dito, ang "pagpigil sa ekspansyon ng Iran sa rehiyong Gitnang Silangan, lalo na sa Syria" ay magiging pokus din ng pag-uusap ng mga lider ng tatlong bansa. Patuloy aniyang bibigyang-dagok ng Israel ang presenyang militar ng Iran sa Syria.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino