Pagtatagpo ng mga lider ng Amerika at H.Korea, idaraos alas-9 ng umaga, Hunyo 12, sa Singapore

2018-06-05 12:36:44 CRI

Isiniwalat kahapon, Lunes, ika-4 ng Hunyo 2018, ni Tagapagsalita Sarah Sanders ng White House, na idaraos ang pagtatagpo ng mga lider ng Amerika at Hilagang Korea, alas-9 ng umaga, ika-12 ng buwang ito, local time, sa Singapore.

Pero, dagdag niya, mayroon ding posibilidad na ayusin ang iskedyul na ito.

Ayon pa rin kay Sanders, sa kasalukuyan, isinasagawa ng isang delegasyong Amerikano at panig H.Koreano ang diplomatikong pagsasanggunian sa Demilitarized Zone sa pagitan ng Hilaga at Timog Korea. Positibo aniya ang kanilang pag-uusap, at natamo na ang progreso.

Dagdag ni Sanders, isa namang advanced team ng Amerika ang nandoon ngayon sa Singapore, at ginagawa nila, kasama ng panig H.Koreano, ang paghahanda para sa nabanggit na pagtatagpo.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino