Vladimir Putin, kinapanayam ng China Media Group

2018-06-06 09:07:54 CRI

Grand Kremlin Palace, Moscow—Bago ang kanyang pagdalo sa gaganaping Summit ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) sa Qingdao, Lalawigang Shandong ng Tsina, at pagsasagawa ng dalaw-pang-estado sa Tsina, kinapanayam ni Shen Haixiong, Presidente ng China Media Group (CMG) si Pangulong Vladimir Putin ng Rusya.

Sa nasabing 40 minutong panayam, ikinuwento ni Putin ang impresyon niya kay Pangulong Xi Jinping ng Tsina, ipinaliwanag ang pagkakapareho at pagkakaiba ng "Russian Dream" at "Chinese Dream," at binigyang-pansin ang prospek ng relasyong Sino-Ruso at pinalawak na SCO. Nagpahayag din siya ng kuru-kuro tungkol sa konstruksyon ng Belt and Road, mga mainit na isyung pandaigdig na gaya ng isyu ng Korean Peninsula, relasyon ng Rusya at mga bansang kaluranin, at iba pa.

Ito ang kauna-unahang pagkakataong tumanggap si Putin ng panayam ng foreign media sa panahon ng kanyang bagong termino bilang pangulo ng bansa.

Salin: Vera

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino