Vladimir Putin: umaasang matatamo ng pagtatagpo ng mga lider ng Amerika at DPRK ang positibong bunga

2018-06-06 09:10:33 CRI

Ipinahayag kamakailan ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya na buong pananabik niyang inaasahan ang bunga ng gagawing pagtatagpo ng mga lider ng Estados Unidos at Hilagang Korea (DPRK). Magsisikap aniya ang Rusya, sa abot ng makakaya, para mapasulong ang pagtatagumpay ng nasabing pagtatagpo.

Winika ito ni Putin nang kapanayamin ni Shen Haixiong, Presidente ng China Media Group (CMG) noong ika-31 ng Mayo.

Kaugnay ng isyu ng Korean Peninsula, sinabi ni Putin na lubos na magkatugma ang paninindigan ng Rusya at Tsina, at iniharap ng kapuwa panig ang roadmap ng paglutas sa isyung ito. Aniya, nitong nakalipas na ilang panahon, marami ang ginawa ng panig Tsino para mapahupa ang kalagayang panrehiyon, at lubos na kinakatigan ito ng panig Ruso.

Tungkol sa relasyon ng Rusya at mga bansang kanluranin, ipinahayag ni Putin na iginigiit ng Rusya ang nagsasarili't may soberanyang landas ng pag-unlad, at hindi kinatatakutan ang anumang sangsyon. Inulit niyang umaasa ang panig Ruso na mapapanatili ang positibo't mainam na relasyon sa mga bansang kanluranin na kinabibilangan ng Amerika.

Salin: Vera

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino