Pangulong Ruso, tinalakay ang relasyong Ruso-Sino

2018-06-06 14:07:56 CRI

Bago ang kanyang pagdalo sa gaganaping Summit ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) sa Qingdao, Lalawigang Shandong ng Tsina, at pagsasagawa ng dalaw-pang-estado sa Tsina, kinapanayam noong Mayo 31, 2018, ni Shen Haixiong, Presidente ng China Media Group (CMG) si Pangulong Vladimir Putin ng Rusya. Tinalakay ni Putin ang relasyong Ruso-Sino at prospek ng SCO pagkaraang palawakin ang mga kasapi.

Ito ang kauna-unahang pagkakataong tumanggap si Putin ng panayam ng foreign media sa panahon ng kanyang bagong termino bilang pangulo ng bansa. Kauna-unahan rin siyang kinapanayam ng Chinese media sa Grand Kremlin Palace.

Kinapanayam ni Shen Haixiong (kaliwa), Presidente ng China Media Group (CMG) si Pangulong Vladimir Putin (kanan) ng Rusya

Sinabi ni Putin na pinahahalagahan ng Rusya ang relasyon nila ng Tsina bilang mapagkakatiwalaang partner, kaalyado at kaibigan. May maraming komong palagay ang dalawang bansa sa pagtatatag ng sarili nilang bansa at kung paanong pakikitunguhan ang kani-kanilang mga mamamayan. Sinabi ni Putin na:

"Sinipi ko po ang talumpati ni Pangulong Xi Jinping sa Ika-19 na Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina, ano ang pinakamahalaga? Anu-ano ang sinabi ng pangulong Tsino? Una, pagpapataas ng lebel ng pamumuhay ng mga mamamayan. May maraming paraan para matupad ang target, pero magkapareho ang target. Sa Rusya, bukod sa pagpapataas ng antas ng pamumuhay ng mga mamamayan, wala kaming ika-2 target."

Sa malapit na hinaharap, idaraos sa Qingdao, Lalawigang Shandong ng Tsina, ang Summit ng Shanghai Cooperation Organization (SCO). Ito ang kauna-unahang SCO Summit pagkaraang palawakin ang mga kasapi ng organisasyon. Ipinahayag ni Putin na ang pinalawak na SCO ay nagsisilbing isang pandaigdigang organisasyon, at lipos siya ng kompiyansa sa prospek ng SCO. Binigyang-diin din niya na,

"Syempre, layon nating igarantiya ang komprehensibong kooperasyon ng iba't ibang bansa, at ipagkaloob ang kinakailangang kondisyon para sa kooperasyon, saan man ang lokasyon ng naturang mga bansa, sa halip na labanan ang ibang bansa. Ang pagbubuklud-buklod ng malakas na puwersa ng nasabing mga bansa ay, walang duda, magsisilbing mahalagang elemento ng sariling pag-unlad natin, at elemento ring makakaapekto sa kalagayan ng daigdig. Nananalig akong ito ay magiging positibong epekto."

Sa nasabing 40 minutong panayam, ikinuwento rin ni Putin ang impresyon niya kay Pangulong Xi Jinping, at inilahad ang kanyang kuru-kuro tungkol sa relasyon ng Rusya at mga bansang kaluranin, mga mainit na isyung pandaigdig na gaya ng isyu ng Korean Peninsula at iba pa.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino