Sulyap sa pagkakaibigan sa pagitan ng Tsina't Rusya

2018-06-09 10:14:28 CRI

Kasalukuyang isinasagawa ni Vladimir Putin ng Rusya ang kanyang opisyal na pagdalaw sa Tsina. Lalahok din siya sa Summit ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) na idaraos bukas, Linggo, Hunyo 9 sa Qingdao, Tsina.

Makaraan ang kanilang pag-uusap kahapon, ginawaran si Putin ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng unang Medalyang Pangkaibigan ng Tsina. Magkasamang sumakay ang dalawang pangulo sa high speed train at tumayong-saksi sa paglalagda ng serye ng kasunduang pangkooperasyon ng dalawang bansa. Nanood din sila ng paligsahang pangkaibigan ng ice hockey sa pagitan ng mga bata ng dalawang bansa.

Ginawaran si Pangulong Putin (kaliwa) ni Pangulong Xi (kanan) ng unang medalyang pangkaibigan ng Tsina, sa Great Hall of the People sa Beijing, Tsina, Hunyo 8, 2018. Ito ang kataas-taasang karangalan ng Tsina para sa mga dayuhan sa katangi-tanging ambag sa modernisasyon ng Tsina, pagpapasulong ng pagpapalitan at kooperasyon ng Tsina at daigdig, at pangangalaga sa kapayapaang pandaigdig. (Xinhua/Shen Hong)

Sina Pangulong Xi (kanan) at Pangulong Putin (kaliwa) habang sumasakay sa high-speed train mula Beijing, papuntang Tianjin, munisipalidad sa dakong hilaga ng Tsina, Hunyo 8, 2018. Sa biyahe, tumayong-saksi sila sa pagpirma sa kasunduang pangkooperasyon hinggil sa transportasyon ng daambakal ng dalawang bansa. (Xinhua/Ju Peng)

Sina Pangulong Xi (kanan) at Pangulong Putin (kaliwa) kasama ng mga batang miyembro ng koponan ng ice hockey ng dalawang bansa bago magsimula ang paligsahang pangkaibigan, sa Tianjin Indoor Stadium sa munisipalidad ng Tianjin sa dakong hilaga ng Tsina, Hulyo 8. Magkasamang inihulog ang puck ng dalawang lider para pasimulan ang paligsahan. Bilang fans ng ice hockey, umaasa ang dalawang pangulo na ang isport na ito ay magsisilbing bagong bigkis ng pagkakaibigan ng dalawang bansa. Ipinahayag din ni Panguong Xi ang suporta sa Rusya bilang punong abala ng 2018 FIFA World Cup. (Xinhua/Pang Xinglei)

Salin: Jade
Pulido: Mac

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino