SCO, nakahandang palawakin ang pakikipag-ugnayang pandaigdig

2018-06-10 16:05:18 CRI

Nakahanda ang mga kasaping bansa ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) na palalimin ang pakikipagtulungan sa mga bansang tagamasid at dialogue partner, at palawakin ang pakikipagdiyalogo at pakikipagpalitan sa United Nations (UN) at iba pang mga organisasyong pandaigdig at panrehiyon para magkakasamang pasulungin ang pangmatagalang kapayapaan at kasaganaan ng daigdig.

Ito ang ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa preskon ngayong hapon pagkatapos ng SCO Summit.

Idinaos ngayong umaga ang SCO Summit sa Qingdao, baybaying-lunsod sa dakong silangan ng Tsina. Lumahok dito ang mga lider ng walong kasaping bansa ng organisasyon, na kinabibilangan ng ay Tsina, India Kazakhstan, Kyrgyzstan, Pakistan, Rusya, Tajikistan, at Uzbekistan.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino